Kung kailangan ko nito, umiinom ako ng PEP para pigilan ang HIV. Iyan ang gumagana para sa akin.

POST – EXPOSURE PROPHYLAXIS (PEP)

Ano ang PEP?

Ang Post-Exposure Prophylaxis (PEP) ay isang apat na linggong kurso ng mga drogang panggamot laban sa HIV na maaari mong inumin kung sa palagay mo ay nalantad ka sa HIV dahil sa pakikipagtalik nang walang kondom o sa pakikipagsaluhan ng mga kagamitang pang-iniksyon ng droga. Maaaring pigilan ng PEP ang HIV na mamalagi sa katawan at hadlangan ang iyong pagiging positibo sa HIV kung iinumin ito sa loob ng 72 oras, pinakamainam ay sa lalong madaling panahon makalipas ang potensyal na pagkalantad sa HIV.

Kailangang inumin ang PEP sa loob ng 72 oras

5 Bagay na Kailangan mong Malaman Tungkol sa PEP

May mga side effect ba kung iinom ako ng PEP?

Minsan, ang pag-inom ng PEP ay magiging sanhi ng mga side effect, gayunpaman, ang mga ito ay nagkakaiba-iba sa bawat tao. Ang mga side effect ay maaaring kabilangan ng pagtatae, sakit ng ulo at pagkapagod. Ang ilan sa mga side effect na ito ay maaaring gamutin gamit ang ibang mga gamot upang mabawasan ang epekto ng mga ito sa iyong katawan, ngunit mahalagang ipagpatuloy ang pag-inom ng mga PEP na drogang panggamot sa kabuuang 28 araw ng paggamot upang lubusin ang pagkakataong gumana ang mga ito. Mahalagang tandaan na ang ilang mga tao ay wala man lamang daranasing mga side effect. Kung daranas ka ng mga side effect, makipag-usap sa iyong doktor kung paano pamamahalaan ang mga ito

Kung sa palagay mo ay nalantad ka sa HIV, pag-isipang kumuha ng PEP


Saan ako pupunta kung sa palagay ko ay kailangan ko ng PEP?

Kung ikaw ay nasa Victoria, kontakin ang PEP INFOLINE sa 1800 889 887. Ang PEP INFOLINE ay makakapagbigay sa iyo ng impormasyon kung paano at saan makakakuha ng PEP. Dagdag pa, maaari silang magbigay ng payo kung angkop na opsyon para sa iyo ang PEP batay sa iyong panganib ng pagkalantad.

Para sa karagdagang impormasyon kung ano ang napapaloob sa pag-inom ng PEP at saan ka makakakuha nito, pumunta sa website ng GET PEP.