Pagkuha ng mga resulta
Ang tradisyonal na pagsusuri para sa HIV ay magbibigay sa iyo ng resultang negatibo o positibo sa HIV.
Kung ang iyong resulta ay negatibo sa HIV, maaaring kausapin ka ng doktor tungkol sa iba't ibang paraan upang mahadlangan ang HIV at ang kahalagahan ng regular na pagpapasuri. Kung makatanggap ka ng negatibong resulta, kailangan mo pa ring isaalang-alang ang 'window period', na tumutukoy sa tagal ng panahon bago lumitaw ang mga antibody ng HIV sa pagsusuri. Dahil dito, inirerekomenda na ikaw ay muling magpasuri sa pagitan ng 6 na linggo at 3 buwan.
Kung ang iyong resulta ay positibo sa HIV, kakausapin ka ng doktor nang harapan at tatalakayin ang kahulugan ng mga resulta. Maaaring nais niyang talakayin ang:
- Ano ang saloobin mo tungkol sa resulta;
- Ano ang mga opsyon sa paggamot; at
- Anong mga suporta ang iyong maaaring ma-access.
Maaari siyang magbigay sa iyo ang pagsangguni para makipag-usap sa isang tao tungkol sa iyong dinaranas. Para sa suporta, lagi kang maaaring makipag-ugnay sa Thorne Harbour Health kung ikaw ay naninirahan sa Victoria at sa SAMESH kung naninirahan ka sa South Australia.