Ang seksyong ito ay nagpapaliwanag sa kahulugan ng viral load at ano ang kahulugan ng konsepto ng undetectable viral load kaugnay sa panganib ng HIV.
UNDETECTABLE VIRAL LOAD (UVL)
Ano ang viral load?
Tinutukoy ng viral load ang dami ng HIV na kasama sa sirkulasyon ng dugo at ito ay sinusukat sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo.
Pagbalik ng resulta, ang viral load ay ipinapakita bilang isang numero. Ipinapakita sa bilang ang dami ng mga kopya ng virus kada mililitro ng dugo (nakasulat bilang copies/ml). Maaaring mabilang ang viral load mula sa mababa sa 20 hanggang mahigit sa isang milyong copies/ml. Sa madaling salita, tinutukoy ng viral load ang dami ng virus na dumadaloy sa dugo ng isang taong may HIV.
Ang viral load ay tumutukoy sa dami ng virus na kasama sa sirkulasyon ng dugo
Ano ang ibig sabihin ng undetectable?
Ang undetectable viral load level ay kapag ang antas ng virus sa katawan ay napakababa na hindi ito matutuklasan ng kasalukuyang mga pagsusuri. Kung ang isang tao ay may UVL, hindi ito nangangahulugang ang kanyang katawan ay wala nang HIV, o nagamot na ang HIV, ito lamang ay nagsasabi na ang antas ng HIV sa dugo ay napakababa na hindi ito maaaring matuklasan gamit ang kasalukuyang mga pagsusuri.
Ang mga taong may HIV na patuloy na ginagamot laban sa HIV ay karaniwang napapanatili ang kanilang viral load sa mababa o hindi natutuklasang antas.
U=U – Undetectable equals Untransmittable (Hindi Matutuklasan ay katumbas ng Hindi Maipapasa).
Nasa Kama na may U=U
Tingnan ang video sa ibaba mula sa The Institute of Many
Ang viral load at pakikipag-seks gamit ang mga kondom
Napatunayan ng kasalukuyang pananaliksik na kung ang isang taong may HIV ay may di-nagbabagong antas ng undetectable viral load (UVL) at ginagamot nang epektibo, wala siyang kakayahang magpasa sa ibang tao ng HIV kapag nakikipag-seks nang walang kondom.
Siniyasat ng PARTNERS Study ang mahigit 22,000 kaso ng anal sex na walang kondom sa mga gay na magkapartner kung saan ang isang tao ay nagpositibo sa HIV at may UVL, at ang kabilang tao ay negatibo sa HIV. Natuklasang walang mga kaso ng pagpasa ng HIV. Ito ay isa lamang sa maraming pag-aaral tungkol sa viral load at paghadlang sa HIV.
Sa madaling salita, kung ang isang tao ay may di-nagbabagong UVL, walang panganib na maipasa ang HIV. Ibig sabihin, ang UVL ang pinaka-epektibong paraan sa ngayon ng paghadlang sa pagpasa ng HIV.
Walang panganib ng pagpasa ng HIV kung may napapanatiling undetectable viral load
Viral load at iba pang mga STI
Mahalagang unawain na ang pagkakaroon ng undetectable viral load ay hindi ka mapoprotektahan laban sa iba pang mga STI at kung ikaw at ang iyong (mga) partner ay nagbabalak gamitin ang paraang ito upang protektahan ang iyong sarili laban sa HIV habang nakikipagtalik nang walang kondom, kailangan mong regular na magpasuri ng kalusugang sekswal para sa mga STI maliban sa HIV.
Ano naman ang tungkol sa mga kondom?
Pinaka-epektibong paraan pa rin ang mga kondom sa paghadlang sa mga STI maliban sa HIV kahit na hindi makakapag-alay ang mga ito ng lubos na proteksyon, kaya mahalagang regular na magpasuri para sa mga STI upang ang mga ito ay madiyagnos at magamot.